Naka-lockdown ang Senado nitong Miyerkules ng gabi matapos umanong magkaroon ng banta kaugnay ng warrant of arrest laban kay Senador Ronald “Bato” dela Rosa.

Ayon kay Senate President Alan Peter Cayetano, apat na senador umano ang nakatanggap ng impormasyon na dapat silang umalis sa Senado dahil may posibleng mangyari habang nagpupulong sila.

Sa isang video message kasama si Senador Pia Cayetano, sinabi ni Cayetano na mataas ang tensyon sa loob ng Senado lalo na’t hinihintay nila ang articles of impeachment laban kay Vice President Sara Duterte na dumating din noong gabing iyon.

“Kung sino man ang nakikinig mula sa gobyerno, ito ang Senado ng Pilipinas. Kami ay tila nasa ilalim ng pag-atake,” ani Cayetano.

Samantala, nagpapatuloy ang mga pagpupulong at seguridad sa loob ng Senado habang hindi pa nagbibigay ng karagdagang detalye ang mga awtoridad hinggil sa sitwasyon.

-- ADVERTISEMENT --