
Nagpiyansa ng P90,000 si Senador Jinggoy Estrada sa Sandiganbayan nitong Biyernes para sa pansamantala nitong kalayaan kaugnay ng kasong graft na isinampa laban sa kanya dahil sa umano’y pagkakasangkot sa flood control mess.
Dumating si Estrada sa Sandiganbayan kasama ang kanyang mga anak na sina Janella at Julienne Estrada. Nahaharap din ang senador sa isa pang kasong graft at plunder na nakabinbin sa Fifth Division ng anti-graft court.
Una nang naghain ng urgent motion si Estrada upang bawiin ang inilabas na warrant of arrest laban sa kanya. Ayon kay Atty. Noel Ostrea, abogado ni Estrada, hindi pa umano natatanggap ng kanilang kampo ang resolusyon mula sa Ombudsman at Department of Justice kaugnay ng mga kasong isinampa laban sa senador.




