Inilabas ni Isulan, Sultan Kudarat Mayor Bai Rihan Sakaluran ang kanyang kauna-unahang Executive Order na nag-uutos sa mga empleyado ng munisipyo at barangay na maglingkod nang may ngiti at taos-pusong serbisyo.
Ayon kay Sakaluran, layunin ng kautusan na tiyaking positibo at magaan ang pagtanggap sa sinumang lalapit sa Municipal at Barangay Halls.
Bahagi aniya ito ng adbokasiyang gawing mas makatao ang serbisyo sa publiko sa lugar.
Ang direktibang “Serve with Smile and Service with Heart” ay ipatutupad sa lahat ng kawani ng lokal na pamahalaan mula sa munisipyo hanggang barangay level.