
MABABA ang tiyansa na direktang makaapekto sa Pilipinas ang bagyong Dolphin, ngunit inaasahang muli nitong palalakasin ang habagat sa susunod na linggo.
Ang sentro ng Super Typhoon DOLPHIN ay huling namataan ng Japan Meteorological Agency (JMA) sa layong ~4,220 km sa hilagang-silangan ng Aparri, Cagayan, kaninang 8:00 AM. 𝗜𝘁𝗼 𝗮𝘆 𝗻𝗮𝗽𝗮𝗸𝗮𝗹𝗮𝘆𝗼 𝗽𝗮 𝘀𝗮 𝗣𝗶𝗹𝗶𝗽𝗶𝗻𝗮𝘀 𝗮𝘁 𝘄𝗮𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗲𝗽𝗲𝗸𝘁𝗼 𝗻𝗴𝗮𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗮𝗿𝗮𝘄.
Ang trough ng 𝗟𝗼𝘄 𝗣𝗿𝗲𝘀𝘀𝘂𝗿𝗲 𝗔𝗿𝗲𝗮 (𝗟𝗣𝗔) sa silangan ng Bicol Region ang kasalukuyang nagpapaulan ngayong araw sa ilang bahagi ng Bicol Region, Visayas, at Mindanao. Patuloy ding binabantayan ang LPA dahil may bahagyang posibilidad itong maging bagyo.
Sa susunod na pitong (7) araw, inaasahang kikilos ang bagyong DOLPHIN pa-kanluran hilagang kanluran at 𝗽𝗼𝘀𝗶𝗯𝗹𝗲𝗻𝗴 𝘁𝘂𝗺𝗯𝘂𝗸𝗶𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗦𝗼𝘂𝘁𝗵𝗲𝗿𝗻 𝗝𝗮𝗽𝗮𝗻 𝗯𝗮𝗴𝗼 𝘁𝘂𝗺𝘂𝗻𝗴𝗼 𝘀𝗮 𝗖𝗵𝗶𝗻𝗮 𝘀𝗮 𝘀𝘂𝘀𝘂𝗻𝗼𝗱 𝗻𝗮 𝘄𝗲𝗲𝗸𝗲𝗻𝗱.
𝗠𝗔𝗕𝗔𝗕𝗔 𝗮𝗻𝗴 𝘁𝗶𝘆𝗮𝗻𝘀𝗮 𝗻𝗶𝘁𝗼𝗻𝗴 𝘁𝘂𝗺𝗮𝗺𝗮 𝗼 𝗱𝗶𝗿𝗲𝗸𝘁𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗸𝗮𝗮𝗽𝗲𝗸𝘁𝗼 𝘀𝗮 𝗣𝗶𝗹𝗶𝗽𝗶𝗻𝗮𝘀, base sa pinakahuling track ng mga weather model.
Inaasahang 𝗽𝗮𝗹𝗮𝗹𝗮𝗸𝗮𝘀𝗶𝗻 𝗺𝘂𝗹𝗶 𝗻𝗴 𝗯𝗮𝗴𝘆𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝗵𝗮𝗯𝗮𝗴𝗮𝘁 (𝘀𝗼𝘂𝘁𝗵𝘄𝗲𝘀𝘁 𝗺𝗼𝗻𝘀𝗼𝗼𝗻) na magdudulot ng maulan at mahangin na panahon sa malaking bahagi ng bansa sa susunod na linggo.
Simula Martes (Aug 4) ay posibleng unti-unti nang magpaulan na ang enhanced habagat sa kanlurang mga bahagi ng Visayas at Mindanao, at simula Huwebes (Aug 6) sa Luzon. 𝗣𝗼𝘀𝗶𝗯𝗹𝗲𝗻𝗴 𝗽𝗶𝗻𝗮𝗸𝗮𝗿𝗮𝗺𝗱𝗮𝗺 𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗽𝗮𝗴-𝘂𝗹𝗮𝗻 𝗮𝘁 𝗽𝗮𝗴𝗯𝘂𝗴𝘀𝗼 𝗻𝗴 𝗵𝗮𝗻𝗴𝗶𝗻 𝗻𝗲𝘅𝘁 𝘄𝗲𝗲𝗸𝗲𝗻𝗱 (𝗔𝘂𝗴 𝟳-𝟭𝟬).
Lubhang malayo pa ang bagyo, kaya maaaring magbago pa ang timeline ng epekto ng habagat sa bansa. Hindi pa rin matitiyak kung alin ang pinakaapektadong mga lugar at kung gaano katindi ang mga pag-ulan.










