Tiniyak ng militar ang suporta sa mga pamahalaang lokal na nagdeklara sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) bilang persona non grata.

Kasabay nito pinuri ni LTCOL Jesus Pagala, commanding officer ng 17th Infantry Batallion, Philippine Army na ang mga LGUs na nagpasa ng resolusyon na nagdeklara sa CPP-NPA bilang persona non grata o hindi welcome o malugod na tinatanggap sa kanoilang lokalidad.

Ayon kay Pagala, matibay itong mensahe ng pagkakaisa laban sa mga kalabang rebelde.

Tiniyak ni Pagala na nakahanda ang militar at pulisya sa pagbibigay ng seguridad sa mga opisyal na may anumang banta ng makakaliwang grupo.