Nahulaan ng isang turista ang tamang kombinasyon ng isang safe o kaha de yero na 40 taon nang nakasara at hindi mabuksan-buksan

Nagawa ni Stephen Mills nang bisitahin niya at kanyang pamilya ang Vermilion Heritage Museum sa Alberta, Canada kung saan matatagpuan ang isang safe na dating nasa Brunswick Hotel na nagsara noon pang 1970s.

Binigyan si Mills ng pagkakataon na hulaan ang kombinasyon ng safe, na hindi mabuksan-buksan kahit pa ng mga eksperto sa mga kaha de yero.

Sa unang subok pa lang, nabuksan agad ito ni Mills, na walang kahit anong karanasan sa pagbubukas ng mga safe.

Sinubukan lang daw niya ang mga unang numero sa isip niya na 20-40-60.

-- ADVERTISEMENT --

Kaya naman hindi siya makapaniwala nang biglang bumukas ang safe.

Pawang mga lumang tseke, notebook at resibo lang ang laman ng kaha.