TUGUEGARAO CITY-Nakatakdang itataas sa blue alert status ang hanay ng Task Force Lingkod Cagayan, bukas, Disyembre 23,2019 bilang paghahanda sa pagdiriwang ng kapaskuhan at bagong taon.

Ayon kay Rueli Rapsing, Head ng Task Force Lingkod Cagayan,on call ang lahat ng kanilang mga tauhan ngayong holiday season para mapanatili ang kaayusan sa probinsiya.

Bukod dito,mahigpit din aniya ang kanilang pagpapatupad sa programang “Oplan Iwas Paputok”.

Aniya, bagamat bumaba ang bilang ng mga nasugatan dahil sa paputok nitong nakalipas na tatlong taon, patuloy pa rin ang kanilang gagawing pagbabantay.

Kaugnay nito, muling hinimok ni Rapsing ang publiko na gumamit na lamang ng alternatibong kagamitan sa pag-iingay sa pagsalubong sa bagong taon para makaiwas sa anumang aksidente.

-- ADVERTISEMENT --