Kinumpirma ni Vice President Sara Duterte na tatlong mga Duterte ang tatakbo sa pagka-senador sa 2025 elections.

Sa ambush interview sa isang event sa Cagayan de Oro – sinabi ni VP Sara na tatakbo para sa mataas na kapulungan ng Kongreso ang kaniyang mga kapatid na si Davao City Mayor Baste Duterte, at si Davao City 1st District Rep. Pulong Duterte.

Sasabak din umano sa senado si dating pangulong Rodrigo Duterte.

Maliban pa rito, pinaplano rin daw ni Mayor Baste na tumakbo sa pagka-pangulo sa 2028.