Patay ang tatlong katao at anim ang nasugatan sa aksidente sa lansangan sa Maharlika Highway sa San Pablo City, Laguna.

Ayon sa Calabarzon Police Region Office 4A, galing driver ng isang sports utility vehicle mula sa isang bahagi ng kalsada subalit hindi ito tumigil sa pagpasok niya sa intersection sa Maharlika Highway sa Barangay Balubad ng madaling araw nooong Sabado.

Dahil dito, nabangga ang kanang bahagi ng SUV ng paparating na pampasaherong bus na papuntang Manila.

Dahil sa lakas ng impact ng banggaan, bumaliktad ang SUV.

Nagtamo ng sugat ang driver ng SUV at ang apat niyang pasahero at dinala sila ng rescuers sa San Pablo City district hospital.

-- ADVERTISEMENT --

Batay sa report, namatay ang tatlong lalaking sakay ng SUV, habang ang driver at isang babae ay ginagamot pa sa ospital.

Apat din na sakay ng bus, kabilang ang isang taong gulang na lalaki ang nagtamo ng minor injuries.