Sugatan ang tatlong katao matapos na sumalpok ang kanilang sinakyang motorsiklo sa isang kotse sa Barangay Linao Norte, Tuguegarao City kaninang madaling araw.

Sinabi ni SFO2 Teresita Yague ng Bureau of Fire Protection-Tuguegarao City, nagliyab ang motorsiklo na sakay ang tatlong indibidual nang mabangga nito ang isang kotse.

Agad na rumesponde ang mga tauhan ng BFP at inapula ang apoy mula sa motorsiklo.

Sinabi ni Yague na makalipas ang ilang sandali ay dumating din ang ambulansiya ng kanilang tanggapan matapos na matanggap ang report na may mga nasugatan sa insidente.

Ayon sa kanya, dinala ng kanilang ambulansiya ang isa sa mga biktima.

-- ADVERTISEMENT --

Samantala, sinabi ni Yague na 11 ang naitalang sunog sa Tuguegarao ngayong taon na kaparehong bilang ng insidente nitong 2023.

Subalit, sinabi niya na mas mababa ang pinsala ng mga nangyaring sunog ngayon kumpara nitong nakalipas na taon.