Patay ang tatlong truckers at tatlong iba ang nasugatan sa dalawang magkahiwalay na aksidente sa lansangan sa lalawigan ng Quezon noong July 14 at kaninang umaga.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya ng Quezon, binabagtas ng wing-van truck na minaneho ng kinilalang si William ang pakurbadang bahagi ng Quirino highway sa Barangay San Vicente sa bayan ng Tagkayawan, nang biglang mawalan umano ng kontrol sa manebela ang driver at tumama sa isang poste hanggang sa bumangga sa isang puno at sa isang tindahan sa gilid ng kalsada.

Ang nasabing truck ay may lulan na iba’t ibang merchandise.

Dead on the spot ang driver at kanyang pahinante na nagtamo ng matinding pinsala sa kanilang katawan.

Samantala, hindi naman gumana ang preno ng isa pang wing-van truck habang binabagtas ang pakurbadang bahagi ng bypass road sa Barangay Sta. Catalina sa bayan ng Atimonan kaninang umaga.

-- ADVERTISEMENT --

Dahil sa takot, tumalon ang driver at tatlong pahinante mula sa sasakyan.

Sa kasamaang palad, nagulungan ang driver ng likurang bahagi ng truck.

Dinala sila ng mga rescuer sa ospital sa lugar, subalit binawian ng buhay sa daan ang driver.