CTTO

TUGUEGARAO CITY-Kulong ang isang tattoo artist matapos mahuli sa ikinasang buy-bust operation sa bayan ng Bayombong, Nueva Vizcaya.

Nahuli ang suspek na si Nelson Monte, 29-anyos, isang tattoo artist , sa pinagsanib na pwersa ng PNP at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Nakuha sa suspek ang isang pakete ng shabu at dalawang pakete ng marijuana leaves na hindi pa mabatid ang halaga.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa R.A 9165 o comprehensive dangerous drugs act of 2002.