
Nagbabala si Defense Secretary Gilberto “Gibo” Teodoro na maituturing na act of war o akto ng pakikidigma laban sa Pilipinas ang sapilitang paghatak o pag-alis ng China sa BRP Sierra Madre mula sa Ayungin Shoal sa West Philippine Sea.
Ayon kay Teodoro, barkong pandigma ng Pilipinas ang BRP Sierra Madre kaya seryosong banta sa bansa ang anumang puwersahang hakbang laban dito.
Nakasadsad ang barko sa Ayungin Shoal mula pa noong 1999 at nagsisilbing outpost ng mga sundalong Pilipino sa naturang lugar.
Nilinaw naman ng kalihim na magkaiba ang act of war at state of war, dahil tanging ang Pangulo at Kongreso ang may kapangyarihang magdeklara ng digmaan.
Tinanong din si Teodoro kung posibleng gamitin ng Pilipinas ang Mutual Defense Treaty sa Estados Unidos sakaling salakayin o sakyan ng mga puwersang Tsino ang BRP Sierra Madre. Sinabi niyang bukas ang posibilidad nito, ngunit nakasalalay sa desisyon ng Pangulo ang magiging hakbang ng bansa.
Samantala, uminit muli ang ugnayang diplomatiko ng Maynila at Beijing matapos sabihin ni Chinese Ambassador Jing Quan na madaling mananalo ang China kung gagamit ito ng puwersa sa West Philippine Sea.
Dahil dito, ilang opisyal ng Pilipinas ang nanawagang paalisin si Jing sa bansa at ideklarang persona non grata.
Nasamsam din sa pasilidad ang mga computer, cellphone at iba’t ibang dokumentong pinaniniwalaang ginagamit sa operasyon ng online scam.
Isinagawa ang operasyon ng NBI-Pampanga District Office sa bisa ng search warrant na inilabas ng Regional Trial Court Branch 73 sa Olongapo City, matapos ang isang buwang surveillance at intelligence operation.
Sa paunang imbestigasyon, natuklasang organisado ang operasyon ng grupo na may 24-oras na shifting, hiwalay na payment desk para sa mga deposito at withdrawal, at paggamit ng iba’t ibang bank at e-wallet accounts sa paglilipat ng pera.
Batay sa mga nakuhang rekord, may mga grupong nakatalaga upang targetin ang mga biktima sa Pilipinas, United Arab Emirates at Bangladesh.
Patuloy namang sinusuri ng NBI ang kalagayan ng mga naabutang manggagawa upang matukoy kung mayroon sa kanila ang posibleng biktima ng human trafficking.
Nakikipag-ugnayan na rin ang ahensya sa Bureau of Immigration, Inter-Agency Council Against Trafficking at Embahada ng Vietnam para sa kanilang kapakanan, dokumentasyon at posibleng pagpapauwi sa kanilang bansa.
Inihahanda na ng NBI ang pagsasampa ng mga kaso laban sa mga nasa likod ng operasyon dahil sa umano’y paglabag sa Anti-Financial Account Scamming Act, Cybercrime Prevention Act, Anti-Money Laundering Act at Anti-Trafficking in Persons Act.










