
Sinabi ni Senate President Win Gatchalian na hindi nangangahulugan na boboto para sa conviction kay Vice President Sara Duterte ang mga senador na sumang-ayon sa pagbabago ng voting threshold sa impeachment trial.
Ayon kay Gatchalian, nakadepende pa rin ang magiging desisyon ng mga senator-judge sa mga ebidensyang ihaharap, testimonya ng mga saksi at iba pang magiging bahagi ng paglilitis.
Labintatlong senator-judge ang bumoto pabor sa bagong batayan kung saan ibabase ang two-thirds requirement sa mga senador na legal at aktuwal na nakikilahok sa impeachment proceedings. Dahil dito, binago ang naunang ruling na nangangailangan ng 16 na boto mula sa 24 na senador para sa conviction.
Gayunman, hindi pa tinutukoy ng impeachment court ang eksaktong bilang ng mga senator-judge na magiging bahagi ng final voting.
Iginiit ni Gatchalian na hiwalay ang naging botohan sa threshold sa magiging boto sa conviction o acquittal, kaya hindi umano maaaring gamitin ang unang botohan bilang indikasyon sa magiging hatol sa impeachment trial.










