Nagsampa ng criminal complaints si dating Senator Antonio Trillanes IV sa Department of Justice (DOJ) laban sa 18 ex-Marines at sa kanilang abogado na si Levito Baligod.

Ito ay may kaugnayan sa pahayag ng mga ito na tumanggap umanosiya ng $2 million na para sa mga imbestigador ng International Criminal Court.

Kabilang din sa mga kinasuhan ni Trillanes sina dating congressman Mike Defensor, Lorraine Badoy, at Cathy Binag.

Matatandaan na isiniwalat ng mga dating sundalo na nagdala sila ng pera kay Trillanes at sa staff ng ICC, kung saan nahaharap si dating pangulong Rodrigo Duterte ng crimes against humanity sa The Hague, Netherlands.

Mariing pinabulaanan ni Trillanes, isa sa matinding kritiko ni Duterte, na tumanggap siya ng $2 million o anomang halaga mula kay dating Congressman Zaldy Co para sa imbestigasyon ng ICC o sa anomang dahilan.

-- ADVERTISEMENT --