Namangha ang mag-asawa sa Canada matapos na makita nila ang dalawang napakaliwanag na UFO sa taas ng Winnipeg River.

Nagmamaneho sina Justine Stevenson at ang kanyang asawa na si Dannille sa Fort Alexander nang mapansin nila ang misteryosong orbs na may dilaw na mga ilaw.

Sinabi ni Justin na kasing liwanag ng araw ang nasabing bagay na lumilipad sa taas ng ilog bago ito matakpan ng ulap.

Inilarawan ni Justin ang kanyang karanasan na parang nasa sci-fi movie.

Kumuha siya ng video ng umano’y UFO.

-- ADVERTISEMENT --

Dahil sa kanyang nakita, naniniwala na siya na may buhay sa labas ng ating planeta o mga alien.

Marami namang social media users ang nagkainteres sa nasabing footage.

May ilang nagsabi na ito ay isang “strange anomaly” at may nagsabi rin na ito ay malinaw na kuha ng UFOs.

Sinabi naman ng iba na posibleng ito ay drone o UFO, habang ipinaliwanag ng isa na ito ay isang swamp gas mula sa weather balloon na nag-trap sa thermal pocket.

Marami nang sightings ng UFO sa Canada, kung saan nasa 17 ang naiulat noong 2023.