
Umalis ang negotiating team ng Estados Unidos sa Islamabad nang walang nabubuong kasunduan matapos ang 21 oras na pag-uusap sa Iran.
Ayon kay US Vise President JD Vance, hindi tinanggap ng Iran ang mga kundisyon ng US, kabilang ang pagtigil sa paggawa ng nuclear weapons. Dahil dito, nabigo ang dalawang panig na maabot ang isang kasunduan.
Sa panig ng Iran, sinabi ng kanilang pamahalaan na natapos ang usapan at magpapalitan muna ng dokumento ang mga eksperto ng magkabilang panig, habang inaasahang magpapatuloy pa ang negosasyon kahit may mga natitirang hindi pagkakaunawaan.
Nanatiling sentro ng usapan ang Strait of Hormuz, na mahalaga sa pandaigdigang kalakalan ng langis. Patuloy ang tensyon sa usapin ng kontrol sa naturang lugar, bayad-pinsala sa digmaan, at nuclear program ng Iran.
Sa kabila ng pag-uusap, nananatiling mataas ang kawalan ng tiwala sa pagitan ng dalawang bansa, habang patuloy rin ang epekto ng sigalot sa rehiyon, kabilang ang pagtaas ng presyo ng langis at pagkasira ng imprastraktura.










