Nagbanta si US President Donald Trump na muling aatake ang Estados Unidos sa Iran ngayong araw kasunod ng panibagong palitan ng mga strike sa pagitan ng dalawang bansa.

Sa kanyang pahayag sa Oval Office, sinabi ni Trump na “hihititin nila nang malakas” ang Iran matapos ang mga naunang opensiba, at muling iginiit ang panawagan na makipagkasundo ang Tehran.

Samantala, mariing tumugon si Iranian President Masoud Pezeshkian, sinabing maninindigan ang Iran laban sa anumang pressure o banta mula sa Estados Unidos.

Nauna nang naglunsad ng airstrikes ang US laban sa Iran matapos ang ulat na binaril umano ng Iran ang isang US Army helicopter, habang gumanti naman ang Islamic Revolutionary Guard Corps (IRGC) sa pamamagitan ng pag-atake sa mga base ng US sa rehiyon.

Sa hiwalay na ulat, sinabi rin ng US military na sinira nito ang isang oil tanker sa Gulf of Oman na umano’y lumabag sa blockade at nagtatangkang magdala ng langis mula sa Iran.

-- ADVERTISEMENT --

Patuloy ang tumitinding tensyon sa pagitan ng dalawang bansa habang nananatiling bukas ang posibilidad ng mas malawak na military escalation sa rehiyon.