Sinabi ng UN fact-finding mission sa Iran na may sapat na batayan para maniwalang responsable ang United States sa dalawang airstrike sa Iran noong Pebrero na maaaring maituturing na war crimes.

Kabilang dito ang pag-atake sa isang elementary school sa Minab, kung saan mahigit 150 katao ang iniulat na nasawi, kabilang ang nasa 120 schoolchildren.

Ayon sa UN mission, walang nakitang ebidensiyang ginagamit ang paaralan para sa military purposes at hindi umano sapat na napatunayan bago isinagawa ang strike ang intelligence na may senior Iranian military commander sa lugar.

Samantala, sinabi rin ng UN mission na nakagawa ang Iranian authorities ng crimes against humanity sa marahas na crackdown sa mga anti-government protester, kabilang ang unlawful killings, torture, arbitrary detention at enforced disappearances.

Hindi pa nagbigay ng komento ang permanent missions ng US at Iran sa Geneva sa ulat.

-- ADVERTISEMENT --