
Iginiit ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro na hindi pinapayagan ang misleading questions, lalo na sa cross-examination, na aniya ay batayang kaalaman ng mga abogado.
Sinabi ito ni Castro, na isa ring abogado, kaugnay ng mainitang palitan ng prosecution at defense sa ika-15 araw ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Nang tanungin kung bahagi ng estratehiya ng depensa ang insidente, sinabi ni Castro na ayaw niyang husgahan ang estilo ng mga abogado. Gayunman, aniya, kung may maling pahayag, mas mabuting agad itong itama upang hindi magkaroon ng maling interpretasyon.
Samantala, pinayuhan ni Senate President at Presiding Officer Francis Escudero sina private prosecutor Lorna Kapunan at defense counsel Kristine Ferrer na kontrolin ang kanilang mga salita matapos ang kanilang pagtatalo sa paggamit ng misleading questions.







