Muling nagkaroon ng tensiyon sa pagitan ng depensa at prosekusyon sa kalagitnaan ng cross-examination kay Commission on Audit (COA) witness Xylene Mae Del Campo sa ika-15 araw ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte ngayong Miyerkules, Agosto 12.

Pinuna ni prosecution counsel Atty. Lorna Kapunan ang aniya’y pagpapatigil ni defense counsel Atty. Kristine Ferrer sa testigo habang nagsasalita pa lamang ito.

Samantala, iginiit ng depensa na hindi direktang sinasagot ng testigo ang mga tanong nito na nangangailangan ng “yes or no” na sagot. Binigyang-diin din ni Ferrer na maaari namang magtanong ng clarificatory questions ang prosecution sa redirect examination.

Dito na namagitan si Senate Presiding Officer Francis Escudero matapos mapansin ang tila hindi pagkakasundo ng dalawang panig sa mga patakaran sa cross-examination.

Bahagyang humupa ang tensiyon matapos ipahayag ni Ferrer ang respeto niya kay Kapunan, na sinagot naman ng private prosecutor sa biro na tapusin na ang usapan dahil tila “eulogy” na ang pahayag, kahit buhay pa naman siya.

-- ADVERTISEMENT --