Dumating sa Pilipinas nitong Linggo si Vietnamese President Tô Lâm para sa dalawang araw na state visit na magtatagal hanggang Hunyo 1, 2026.

Dumating si Lâm bandang 12:40 p.m. sa Villamor Air Base sa Pasay City sakay ng Vietnam Airlines flight at sinalubong ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr.

Ayon sa Presidential Communications Office, ito ang unang state visit sa Pilipinas ng pinakamataas na lider ng Partido Komunista ng Vietnam.

Inaasahang tatalakayin sa pagbisita ang pagpapalakas ng ugnayang Pilipinas at Vietnam, partikular sa trade at investments, food security, depensa at maritime affairs, edukasyon, turismo, at people-to-people exchanges.

Ang pagbisita ay kasabay ng paggunita sa ika-50 anibersaryo ng diplomatic relations ng dalawang bansa at ika-10 taon ng kanilang strategic partnership.

-- ADVERTISEMENT --