Ipinahayag ni VP Sara Duterte na wala pa silang opisyal na listahan ng mga kandidato para sa Senado sa 2028 elections. Ayon sa bise presidente, may ilang nagnanais sumama sa kaniya kung tatakbo siya, ngunit wala pang pinal na kasunduan o pormal na listahan.

Hindi rin niya pinangalanan ang posibleng kandidato dahil sa mga banta at harassment na nararanasan ng mga kaalyado at kaibigan. Wala rin siyang desisyon tungkol sa magiging running mate sa pagka-bise presidente.

Tinalakay din niya ang epekto ng krisis sa Gitnang Silangan sa mga Pilipino at nanawagan na ang pamahalaan, sa pangunguna ni pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang kumilos upang matulungan ang mga apektado.

Dahil sa tumataas na presyo ng gasolina, tiniyak ni VP Sara na ipagpapatuloy ang libreng sakay program ng kaniyang opisina upang maibsan ang gastusin sa transportasyon.