Walang naitalang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin sa lalawigan ng Cagayan batay sa monitoring ng Department of Trade and Industry (DTI).

Ito’y kasunod ng pagdedeklara sa lalawigan sa ilalim ng state of calamity dahil sa epekto ng El Niño at pagpapatupad ng price freeze.

Ayon kay DTI Cagayan Senior Trade and Industry Development Specialist Mar Anthony Alan, araw-araw na umiikot ang mga price monitoring team ng DTI at nakapaskil na rin sa mga grocery at supermarket ang mga presyo upang madali itong makita ng mga mamimili.

Kabilang sa mga produktong sakop ng price freeze ang canned sardines, instant noodles, kape, processed milk, bottled water, asin, tinapay, at laundry soap.

Maaaring magsumbong ang publiko sa DTI Tuguegarao Provincial Office hotline (09178077914) o sa kanilang email (r02@dti-cagayan) kung may mapansing paglabag sa itinakdang presyo.

-- ADVERTISEMENT --

Samantala, magsasagawa rin ang DTI ng “Diskwento Caravan” sa Mayo 27-28 sa Centro Gymnasium sa Tuao West upang magbigay ng murang bilihin, lalo na para sa school supplies bilang paghahanda sa nalalapit na pasukan