Magkakaroon ng pag-urong ang pagpapabalik sa bansa kay Alice Guo o si Guo Hua Ping dahil sa kagustuhan umano ng Indonesia na ipalit siya sa drug trafficker Gregor Johann Haas, isang Australian.

Gayonman, sinabi ng Bureau of Immigration (BI)na hindi pa maaaring isailalim sa deportation si Haas dahil sa may mga kaso pa siya sa bansa.

Bagamat hindi saklaw ni BI spokesperson Dana Sandoval ang mga kaso ni Haas, sinabi niya na kinasuhan ang Australian sa tangkang pagpupuslit ng floor ceramics na may laman na mahigit limang kilo ng methamphetamine sa Indonesia noong December 2023.

Ayon kay Sandoval, noong buwan ng Mayo ay inikulong si Haas sa Bogo City, Cebu matapos na maglabas ang interpol ng red notice o international alert laban sa kanya bunsod ng criminal complaint na inihain ng mga awtoridad ng Indonesia.

Ayon sa Indonesian media, nagkakaroon na umano ng negosasyon na kapalit ni Guo si Haas.

-- ADVERTISEMENT --

Gayonman, nilinaw ni Sandoval na walang impormasyon ang BI ukol sa nasabing panukala.