
Naglabas na ng warrant of arrest ang Makati City Regional Trial Court Branch 235 laban kay Batangas Rep. Leandro Leviste.
Ito’y dahil sa umano’y paglabag ng kongresista sa Section 25 ng Commonwealth Act No. 146 na na-amyemdahan ng Republic Act No. 11659 o Public Service Act.
Ang nasabing kopya ng warrant ay naipadala na sa Philippine National Police (PNP) Directorate for Investigation and Detective Management (DIDM) sa Camp Crame at sa mga chief of police o station commander.
Ipinadala rin ang kopya ng warrant sa National Bureau of Investigation (NBI) kung saan sa isang pahayag ay natanggap na raw ito ni NBI Director Melvin Matibag ang kopya ng warrant na may petsa na October 5, 2026
Maaari naman maghain ng piyansa ang kongresista sa halagang P72,000 kung saan ang warrant or arrest ay pirmado ni Presiding Judge Ricardo Moldez II ng Makati RTC Branch 235










