Posibleng higpitan ang paggamit ng tubig sa mga water park, swimming pool at golf course bilang paghahanda sa banta ng Super El Niño sa mga susunod na buwan.

Ayon kay Local Water Utilities Administration Administrator Jose Moses Salonga, pinag-aaralan ang pagbabawas ng alokasyon ng tubig o pansamantalang pagsasara ng mga water valve sa mga negosyong malakas gumamit nito para sa mga hindi pangunahing pangangailangan.

Ibinangon ni Senador Risa Hontiveros ang usapin sa pagdinig sa Senado, habang iminungkahi naman ni DENR Secretary Juan Miguel Cuna na manguna ang mga tanggapan ng pamahalaan sa mahigpit na pagtitipid ng tubig.

Kasama rin sa mga hakbang na pinag-aaralan ang pagpapalakas ng mga imbakan ng tubig, pasilidad para sa pag-iipon ng tubig-ulan at mga programa sa pagsasala ng tubig sa buong bansa.