Maaaring umabot sa 48°C ang heat index sa ilang bahagi ng bansa kapag naranasan ang epekto ng Super El Niño sa susunod na taon.

Ayon sa weather bureau, mas mataas ang posibilidad nito sa mga patag na lugar gaya ng Cagayan Valley, ilang bahagi ng Mindanao at mga urban area.

Dahil dito, inaasahang magiging matindi ang epekto ng tagtuyot, na maaaring magsimula matapos ang panahon ng taglamig at magpatuloy sa mga susunod na buwan.

Pinaaalalahanan ang publiko na mag-ingat sa matinding init, uminom ng sapat na tubig at iwasan ang matagal na pagbibilad sa araw.