Nakatakdang buksan ng 5th Infantry Division, Philippine Army ang inilunsad na kauna- unahang West Philippine Sea Photo Exhibit sa iba pang mga lugar sa Cagayan at Isabela.
Ayon kay Lt Col Melvin Assuncion, pinuno ng Division Public Affairs Office ng 5th ID, layon ng nasabing inisyatiba na makapagbigay ng tamang impormasyon at mapalawak ang kamalayan ng publiko kaugnay sa pinagtatalunang teritoryo.
Tampok sa exhibit ang mga mahahalagang impormasyon na kailangang malaman hinggil sa sovereign rights sa WPS at ang mga pamamaraang legal at hakbang na ginagawa ng pamahalaan upang mapangalagaan at maipaglaban ito laban sa China.
Nagpapakita rin ito sa historical claims ng Pilipinas kung saan naipanalo ng bansa sa 2016 arbitration ruling ang petition nito sa exclusive economic zone sa West Philippine Sea kontra sa historical claims ng China.
Unang inilunsad ang programa sa Camp Melchor Dela Cruz, Upi, Gamu, Isabela, bago ito binuksan ng dalawang araw sa isang mall sa Cauayan City.
Sinabi ni Assuncion na dadalhin ang naturang photo exhibit sa Girls Scout at dito sa lungsod ng Tuguegarao.