Ipatutupad na bukas, Sabado, Agosto 15 ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang ₱12 kada litro na fuel discount para sa mga kwalipikadong public utility jeepney o PUJ at UV Express drivers at operators.

Ayon sa LTFRB, maaaring makatipid ng hanggang ₱1,800 kada linggo ang bawat kwalipikadong benepisyaryo. Mas mataas ito ng ₱2 kada litro kumpara sa dating ₱10 kada litro na subsidy na ipinatupad noong Abril.

Sinabi ni Executive Secretary Ralph Recto na itinaas ang fuel subsidy dahil sa epekto ng patuloy na krisis sa Middle East sa presyo ng langis.

Samantala, bumaba naman ng mahigit ₱4 kada litro ang presyo ng ilang produktong petrolyo ngayong Agosto 11 hanggang 17.

Bahagi rin ng government relief efforts ang patuloy na pagpapatupad ng Unified Package for Livelihoods, Industry, Food, and Transport o UPLIFT para sa mga Pilipinong apektado ng tensyon sa Middle East.

-- ADVERTISEMENT --