
Binuksan ng European Union o EU ang posibilidad na maging unang associate member ng bloc ang Canada, ayon kay European Commission President Ursula von der Leyen.
Sa kanyang taunang State of the European Union address sa Strasbourg, sinabi ni von der Leyen na mahalaga ang mas matibay na partnership ng Europe sa gitna ng mga pagbabago sa international rules-based system.
Ayon sa opisyal, magkatulad ang pananaw ng EU at Canada sa ilang mahahalagang usapin tulad ng artificial intelligence, climate change, Arctic region at geopolitics.
Aniya, nagkakaisa rin ang dalawang panig sa mga usapin tungkol sa Ukraine, defense, raw materials at supply chains, bukod sa kapwa nila pagbibigay-diin sa demokrasya.
Ang pagiging associate member ay hindi kasalukuyang umiiral na status sa ilalim ng mga tratado ng EU, kaya magiging bagong arrangement ito para sa bloc sakaling maisakatuparan.










