Nasawi ang isang indibidwal habang sugatan naman ang isa pa matapos ang umano’y insidente ng harassment sa pagitan ng mga tagasuporta ng magkaibang political party sa Dinas, Zamboanga del Sur, nitong Lunes ng madaling araw, ayon sa Police Regional Office 9 (PRO9).

Kinumpirma ni Police Major Shella Chang ng PRO9 public information office na namatay ang biktima habang nilalapatan ng lunas sa ospital.

Narekober ng mga awtoridad ang 19 na basyo ng bala ng 5.56mm at pitong basyo ng bala ng .45 caliber sa lugar ng insidente.

Patuloy naman ang isinasagawang hot pursuit operation upang maaresto ang mga sangkot sa insidente.