Umaabot sa 115 na aplikante ang kaagad na natanggap sa trabaho o hired-on-the-spot sa idinaos na jobs fair ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa Tuguegarao City nitong araw ng Kalayaan.

Tiwala naman si Atty. Sarah Buena Mirasol, director ng DOLE-RO2 na tataas pa ang turn-out o matatanggap sa trabaho mula sa humigit-kumulang na 1500 na aplikante.

Nabatid na nasa mahigit isang libong trabaho sa loob at labas ng bansa ang binuksan sa jobs fair ng DOLE sa Tuguegarao city.

Kasabay nito, pinasalamatan ni Mirasol ang mga nakibahagi sa matagumpay na jobs fair na itinuturing na may pinakamataas na bilang ng aplikante.