Nadagdagan pa ng 1,154 ang panibagong kaso ng COVID-19 sa Region 2 batay sa datos ng Department of Health (DOH) Region 2 noong April 19, 2021.
Dahil dito, umakyat na sa 26,572 ang kabuuang bilang ng tinamaan ng virus sa rehiyon.
Sa kabuuang kaso sa rehiyon dos, 5,705 pa rito ang aktibo.
Samantala, nakapagtala naman ang DOH ng 707 na mga bagong gumaling na nagdadala ngayon sa 20,408 na total recovered cases.
Gayunman, naitala sa Region 2 ang labing tatlong bagong nasawi na kung saan umakyat na ang kabuuang bilang ng mga namatay may kaugnayan sa COVID-19 sa 449.
-- ADVERTISEMENT --