
Nagkaroon muli ng mainit na diskusyon sa pagitan ng mga senador matapos na matalakay sa Senado ang ang iminumungkahi ni Senador Rodante Marcoleta na amyendahan ang Senate rules para mapayagan ang mga senador na makadalo remotely sa session.
Sa ilalim ng Rule 14, Section 41-C na isinusulong ni Marcoleta, mababasa rito na maaring payagan ang mga senador na makadalo sa pamamagitan ng teleconference, video conference at iba pang uri ng remote o electronic means basta ba’t mayroon silang makatwirang dahilan.
Pinuna naman ng ilang senador partikular na ng minority senators ang tila pagmamadali umano na matalakay na ito at maamyendahan.
Matapos nito, makikita ang naging pag-walkout ng minority members dahil sa di umano’y tila pagmamadali na maisulong ang panukalang ito.
Maalala, sa joint statement ng Senate minority bloc, sinabi nila na palagi naman silang bukas sa anumang makabuluhang pag-uusap sa sesyon, na ibig sabihin ay pinapayagan ang bawat miyembro na mapakinggan.
Ayon pa sa mga ito, hindi rin dapat pinipilit ng kapulungan ang bawat senador na magmadali base sa kagustuhan ng mayorya.
Sa kabilang banda, hindi na rin naiwasan ng mga ito na magtanong na kaya ba raw minamadali ang pagpapalit sa rules ay dahil gusto nilang makaboto si Senador Ronald Bato Dela Rosa.
Samantala, sa naging ambush interview ng Senate media kay Senador Jinggoy Estrada, umamin ito na tila na-offend siya sa nabanggit ni Sen. Erwin.










