Arestado ang magulang ng isang 12-araw na sanggol na babae matapos tangkaing ibenta ang kanilang anak sa halagang ₱27,500.

Ayon sa National Authority for Child Care (NACC), nahuli ang mag-asawa sa isang buy-bust operation noong Lunes.

Ayon sa imbestigasyon, plano ng magulang na gamitin ang pera bilang puhunan sa isang street food business.

Binigyang-diin ng NACC na ang buhay ng bata ay hindi dapat gamitin bilang kalakal at dapat protektahan ang karapatan ng bawat bata sa ligtas at maayos na pamilya.

Haharapin ng mag-asawa ang kaso sa ilalim ng Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2022 para sa qualified trafficking, pati na rin ang Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.

-- ADVERTISEMENT --