
Trahedya ang inabot ng nasa 14 na bata matapos silang bawian ng buhay matapos gumuho ang bubong ng isang tutoring center sa lungsod ng Lahore, Pakistan.
Ayon sa mga opisyal, bukod sa mga nasawi, mayroon ding 5 sugatan kabilang ang isang guro, habang ang mga nasawing bata ay nasa edad apat hanggang 12 taong gulang.
Tiniyak naman ni Pakistan Prime Minister Shehbaz Sharif na magsasagawa ang pamahalaan ng mabilis, patas, at malinaw na imbestigasyon upang matukoy ang mga responsable sa insidente.
Karaniwan na umanong nagaganap ang pagbagsak ng mga gusali sa Pakistan dahil sa mahinang pagpapatupad ng safety standards at paggamit ng substandard na materyales.










