Ibinahagi ni Foreign Minister Abbas Araghchi ang posisyon ng Iran sa posibleng pagtatapos ng digmaan sa isang pulong kasama ang military officials ng Pakistan sa Islamabad.

Ayon sa ulat, dala ni Araghchi ang isang mas detalyadong panukala na maaaring magsilbing basehan sa usapang pangkapayapaan.

Samantala, sinabi ng White House na nakatakdang bumiyahe sa Pakistan sina US envoy Steve Witkoff at Jared Kushner para sa hiwalay na pag-uusap, ngunit wala pang kumpirmasyon kung natuloy ito.

Nilinaw rin ng panig ng Iran na wala sa plano ang direktang pakikipagpulong sa United States.

Sa gitna nito, nagpapatuloy pa rin ang tensyon sa rehiyon matapos iulat ng Israel Defense Forces na may napatay silang miyembro ng Hezbollah, habang sinasabi naman ng grupo na nagsagawa sila ng pag-atake laban sa militar ng Israel kahit may umiiral na ceasefire.

-- ADVERTISEMENT --