
Ibinahagi ni Secretary of the Interior and Local Government Jonvic Remulla na may isang mass shooting/stabbing sanang magaganap sa Tolosa National High School sa Leyte.
Kung saan ang nasabing impormasyon umano ay nakuha kagabi ni Remulla kay Senator Bam Aquino na nasa Leyte ng panahon na iyon.
Ayon kay Remulla, isang 14 na taong gulang na babae at grade 10 student sa nasabing paaralan ang napag-alaman na nasa likod nito na gumamit ng iba’t ibang social media accounts para ianunsyo ang nasabing aktibidad.
Agad na pinuntahan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang bahay ng nasabing menor de edad na napag-alaman na may personal at family problem.
Dinala ang nasabing bata sa DSWD at ibinalik lang din ito agad sa kanyang pamilya dahil hindi naman itong pwedeng kasuhan dahil siya ay 14 years old lang .









