TUGEUGARAO CITY-Tinututukan na ng pulisya ang mga pangalang isiniwalat ng isang menor de edad na nahuli sa drug buy bust operation sa bayan ng Lal-lo, kahapon.

Ayon kay P/Maj Ramon Macarubbo, hepe ng PNP- Lal-lo na nahuli ang 15-anyos na suspek sa Barangay Magapit kung saan narekober sa kanya ang di pa mabatid na halaga ng marijuan sa kanyang bag.

Sa rebelasyon ng suspek sa pulisya, galing sa lungsod ng Tuguegarao ang mga pinatuyong dahon ng marijuana na umanoy binili nito at ibinebenta sa pinapasukang paaralan.

Nilinaw ni Macarubbo na transferee sa lugar ngayong school year ang suspek na matagal nang minamanmanan ng mga otoridad sa iligal nitong gawain.

Ipapasakamay muna sa Department of Social Welfare and Development ang suspek habang minomonitor na ang mga kasamahan nito.

-- ADVERTISEMENT --