
Patay ang 15 katao, kabilang ang 10 taong gulang na babae sa pamamaril sa Bondi Beach kahapon – ang edad ng mga nasawi ay mula 10 hanggang 87.
Nangyari ang pag-atake habang kasalukuyan ang event bilang hudyat ng pagsisimula ng Hanukkah.
Itinuturing ito ng pulisya na isang terror incident.
Ang dalawang gunmen ay ama at anak na lalaki.
Ang 50 anyos na ama ay napatay sa pinangyarihan ng insidente habang ang kanyang anak na 24 anyos na anak ay nasa kritikal na kundisyon sa ospital.
Tinawag ni Prime Minister Anthony Albanese ang pag-atake an “an act of pure evil” na ang pinuntirya ang Jewish community.
Ayon sa NSW Police Commissioner na ang matandang gunman na napatay ay nakakuha ng firearms license para sa recreational hunting.
Ayon kay Mal Lanyon, ang matandang gunman ay miyembro ng gun club, kung saan mayroon siyang category AB license, kaya mayroon siyang mahabang armas na ginamit niya sa pamamaril.










