Patay ang 15 katao sa pananalasa ng tornadoes at bagyo sa ilang estado sa America.

Maraming kabahayan ang nawasak at libu-libo ang naputol ang suplay ng kanilang kuryente kahapon.

Pito ang namatay sa northern Texas, lima sa Arkansas, dalawa sa Oklahoma at isa sa Kentucky.

Marami rin ang nasugatan at mahigit 500, 000 ang walang suplay ng kuryente.

Sinabi ni Sheriff Ray Sappington ng Cook County, Texas, kabilang ang dalawang bata na edad dalawa at lima at tatlong miyembro ng parehong pamilya ang namatay sa kanilang lugar.

-- ADVERTISEMENT --

Ang bagyo sa Texas ay sumabay sa record-breaking heat sa ilang bahagi ng estado.