Dead on arrival sa pagamutan ang isang 19-anyos na lalaki dahil sa pagkalunod matapos tumama ang ulo sa bato nang tumalon sa bahagi ng Macatel falls sa bayan ng Sta Praxedes, Cagayan.

Kinilala ang biktima na isang out of school youth at residente sa Brgy Macatel.

Ayon kay PMAJ Joel Labasan, hepe ng PNP-Sta Praxedes, kasama ng biktima na nagtungo sa falls ang apat na pinsan at kaibigan, para magswimming at mag-inuman kasabay ng kanilang town fiesta dakong alas 12:00 nang tanghali.

Pasado alas 4:00 na ng hapon aniya nang magkayayaan ang mga ito na umuwi na at pagkatapos nito ay hindi nila napansin ang biktima na tumalon na sa falls at laking gulat lamang nila nang makita itong nakalubog na sa tubig.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, sinubukang tumalon ng biktima sa 10-talampakang taas na falls subalit possible itong nadulas at sa kanyang pagkahulog ay tumama ang kanyang ulo sa mga bato na nasa gilid kung saan nagtamo ito ng mga galos sa kanyang kanang pisngi.

-- ADVERTISEMENT --

Sinubukan pa aniya itong bigyan ng paunang lunas bago dinala ang biktima sa Rural Health Unit.