
Personal na nagtungo si Armed Forces of the Phlippines (AFP) Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr., sa burol ng dalawang pilotong nasawi sa isang aksidente sa himpapawid sa Tuba, Benguet.
Binigyang-pugay ni Brawner ang mga labi nina First Lieutenant Ruth Angelique Pasos PAF at Second Lieutenant Cherky Embudo PAF, dahil sa kanilang hindi matatawarang dedikasyon, sakripisyo, at tapat na paglilingkod sa bansa.
Taus-puso din itong nakiramay sa mga naulilang pamilya ng dalawang sundalo at ipinaabot ang pakikiisa at suporta ng buong sandatahang lakas sa nagdadalamhating mga pamilya.
Matatandaang nasawi ang mga biktima habang nagsasagawa ng isang Military Pilot Training flight noong Mayo 20, 2026.










