
Nasawi ang dalawang Filipino seafarer matapos tamaan ng hindi pa nakikilalang projectiles ang Saudi Arabia-flagged oil tanker na Sidr habang papalapit sa Strait of Hormuz.
Ayon sa Department of Migrant Workers, 16 na Pinoy seafarers ang sakay ng barko.
Nagkaroon ng sunog na agad namang naapula ng mga tripulante, ngunit dalawang Pinoy ang nasawi.
Ligtas naman ang 14 na iba pa matapos dumaong ang barko sa Oman.
Dinala na sa Oman ang mga labi ng dalawang biktima, habang inaayos ang pagpapauwi sa Pilipinas ng 14 na nakaligtas.
Nangako rin ang DMW at OWWA ng tulong sa mga pamilya ng nasawi.
Patuloy namang mino-monitor ng DMW ang sitwasyon sa Strait of Hormuz, na itinuturing pa ring high-risk area.
Tinatayang nasa 3,000 Filipino seafarers ang nasa Persian Gulf.










