Matagumpay na na-rescue ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 23 indibidwal matapos ang banggaan ng motorbanca at tourist boat sa Consuelo, Cantilan, Surigao del Sur.
Kabilang sa nailigtas ang 16 na pasahero, isang tourist boat captain, crew ng tourist boat at ilang pahinante.
Isa sa mga na-rescue ang nasugatan at isinugod sa pagamutan.
Nabatid na miscommunication sa vessel signaling ang dahilan ng banggaan ng bangka.
Agad naman na nagkaayos ang dalawang panig hinggil sa pagpapaaayos ng mga napinsalang bangka.
-- ADVERTISEMENT --