
Tatlong indibidwal ang patuloy na pinaghahanap sa nangyaring pagguho ng landfill sa Barangay San Isidro, Rodriguez, Rizal.
Ito ang kinumpirma ng Rizal Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) Command Center.
Ayon sa awtoridad, dalawang babae at isang lalaki ang nadamay sa nangyaring insidente pasado alas kwatro ng hapon nitong Biyernes, February 20.
Sa ngayon ay patuloy ang isinasagawang search and rescue operations sa nawawalang tatlo habang patuloy naman nating kinukuha ang panig ng International Solid Waste Integrated Management Specialist, Inc.
Una nang naglabas ng pahayag ang Bagong Alyansang Makabayan – Rizal na nasa 100 katao ang nadamay sa nangyaring pagguho habang 50 naman ang hinahanap.
-- ADVERTISEMENT --








