
Kinumpirma ni Assistant Ombudsman Mico Clavano na natanggap na nila ang partial committee report ng Senate Blue Ribbon Committee na noon ay pinamunuan ni Senador Panfilo “Ping” Lacson kaugnay ng isinagawang imbestigasyon sa maanomalyang flood control projects ng pamahalaan.
Una nang sinabi ni Senador Lacson na laman ng partial report ang umano’y sistematikong pag divert ng pondo ng bayan sa ilalim ng tinatawag na “allocables,” at “insertions” sa pambansang budget.
Ayon pa kay Clavano, ibibigay ang mahahalagang impormasyon sa mga investigating team na in charge sa ibat ibang flood control cases upang magamit kung kinakailangan.
Ang pag transmit sa anti-graft court ay nangyari isang araw matapos magpalit ng liderato sa Senado.
Matatandaang inilunsad ng Senado ang malawakang imbestigasyon matapos mabunyag ang bilyun-bilyong pisong pondo sa mga proyekto kontra-baha na hinihinalaang may ghost projects, overpricing, at sabwatan sa pagitan ng mga kontraktor at ilang opisyal ng Department Of Public Works And Highways (DPWH).









