Tinatayang 3,000 Pilipinong marino ang nananatiling nasa Strait of Hormuz, ayon kay Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Hans Cacdac.

Sinabi ni Cacdac na bagama’t nasa loob pa ng Persian Gulf ang mga barko, ligtas ang mga tripulante at patuloy silang tumatanggap ng suweldo at benepisyo.

Aniya, hindi sila bihag at nananatiling seaworthy ang mga sasakyang-dagat habang mahigpit na mino-monitor ng DMW, licensed manning agencies, at shipowners ang kanilang kalagayan.

Ayon pa sa DMW, 3,718 Pinoy seafarers na ang matagumpay na nakalabas sa Strait of Hormuz.

Gayunman, nananatiling sarado ang pangunahing shipping lane matapos ang panibagong tensyon sa pagitan ng Estados Unidos at Iran, dahilan upang muling maipit ang daan-daang barko sa lugar.

-- ADVERTISEMENT --