
Ayon sa Social Weather Stations o SWS, 33% ng adult Filipinos ang nagsabing gumanda ang kanilang kalidad ng buhay sa nakalipas na 12 buwan, habang 33% naman ang nagsabing lumala ito.
Samantala, 34% ang nagsabing hindi nagbago ang kanilang pamumuhay.
Dahil dito, zero ang net gainers score ng bansa, na itinuring ng SWS na “fair.”
Mas mataas ito ng 26 puntos kumpara sa -26 na naitala noong Marso 2026.
Isinagawa ang survey noong Hunyo 20 hanggang 29 sa 1,200 adult Filipinos sa buong bansa.
-- ADVERTISEMENT --
Pinakamababa ang net gainers score sa Metro Manila na -13, habang nasa +4 sa Balance Luzon, +3 sa Mindanao at -1 sa Visayas.










